Calendar
Nagsisiyasat ang mga operatiba sa paligid ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaugnay sa bomb threat na kalaunan ay false alarm pala.
Bomb threat sa BSP agad nirespondehan ng MPD
BINULABOG ng bomb threat ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa Malate, Manila noong Huwebes na negative naman ayon sa ordnance team ng Manila Police District (MPD).
Bandang alas-9:40 ng umaga nakatanggap nang tawag ang isang BSP personnel mula sa umano’y sender na suspek na si Hiroaki Yamanoka.
Ayon sa ilang mga empleyado ng BSP, nakatanggap sila ng email mula sa pinaghihinalaang suspek at ang nilalaman ng email ay isang banta ng bomba na target ang pampublikong transportasyon sa Pilipinas at nakatakdang mangyari bandang alas-3:34 ng hapon.
Rumesponde ang mga tauhan mula sa MPD District Explosive and Canine Unit (DECU) upang magsagawa ng masusing paneling at search operation sa paligid ng BSP pero walang nakita at napansin na kahina-hinala sa paligid ng BSP.

