Calendar

BAI: Avian inluenza sa Camsur naresolba na
TINIYAK ng Bureau of Animal Industry (BAI) na ligtas na kainin ang mga poultry product kabilang na ang karne ng manok at itlog nito sa kabila ng naitalang kaso ng avian influenza sa Camarines Sur, which has now been fully resolved.
Sinabi pa ng BAI na naresolba na ngayon ang kaso ng bird flu sa naturang probinsiya dahil agad na inilagay sa quarantine ang mga apektadong lugar matapos na ma-detect ang naturang kaso.
Nagsagawa agad ng depopulation, tamang pagtatapon ng mga apektadong manok at disinfection sa mga lugar na apektado.
Matapos ang culling at disposal at ang paglilinis at disinfection, nagsagawa ng mga surveillance activity sa loob ng isang kilometrong radius noong Mayo 9, 2025.
Sa isinagawang test sa mga nakolektang sample, nag-negatibo na ang mga ito sa Influenza Type A na nagpapatunay na naresolba na ang outbreak.
Upang matiyak ang food safety standard, ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pagkatay, pagbenta at pagkain ng mga may sakit na hayop o suspetsang maysakit.
Ang mga hayop na pumasa sa veterinary inspection at natiyak na malusog ang binigyan lamang ng clearance para sa market distribution.
Pinaalalahanan din ng BAI ang publiko na bumili ng karne na may meat inspection clearance at tamang handling. Kailangang lutuin ding mabuti ang mga poultry product upang matiyak na ligtas na kainin ang mga ito.
Patuloy pa rin ang BAI sa mandato nito na pangalagaan ang kalusugan ng mga hayop pati na ang public safety at ang proteksyon ng food security ng bansa.