BOC

Balikbayan box na hindi kinukuha, ihahatid ng libre ng BOC

168 Views

Bilang tugon sa hinaing ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), ihahatid ng libre ng Bureau of Customs (BOC) ang mga inabandonang balikbayan box.

Ayon sa BOC, ang mga hindi kinuhang package ng Island Kabayan Express Cargo LLC at Win Balikbayan Cargo LLC ay matatapos nitong ihatid sa loob ng apat na linggo.

Ang mga claimant ay kailangang magpakita ng valid government ID, kopya ng resibo, at authorization letter kung hindi may-ari ang tatanggap.

Ayon sa BOC hindi binayaran ang buwis ng mga package kaya hindi ito nakukuha ng mga may-ari.

Pinag-iingat ng BOC ang mga OFW sa mga delivery service na ang modus ay maningil ng mura pero hindi pala magbabayad ng buwis pagdating sa bansa kaya hindi matatanggap ng kanilang mga padadalhan ang package.

Naghahanda na rin ang BOC sa inaasahang pagdagsa ng mga balikbayan boxes ngayong malapit na ang Pasko.