Calendar
Barbers: Bato, Digong di pinupuntirya ng Quad Comm
๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ๐ผ๐๐ ๐๐ฟ๐๐ด๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ฆ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ฐ๐ฒ ๐ฆ. ๐๐ฎ๐ฟ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ฑ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ผ ๐ฑ๐ถ๐ป๐ถ๐ฑ๐ถ๐ธ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฏ๐ฒ๐๐๐ถ๐ด๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐ค๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐ป๐๐ถ๐ฟ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ป ๐๐ถ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐ฃ๐ก๐ฃ) ๐๐ต๐ถ๐ฒ๐ณ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ’๐ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฅ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ฑ “๐๐ฎ๐๐ผ” ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ๐ผ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐ผ ๐ฅ๐ผ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ.
Sinusugan din ni Barbers ang pahayag ng kapwa nito kongresista na si Santa Rosa City Lone Dist. Cong. Dan S. Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, na hindi sila sumusunod sa kumpas o kaya ay dikta ng House leadership na tumutukoy kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez.
Ayon kay Barbers, hindi “hao-siao” o “moro-moro” ang kasalukuyang pagsisiyasat ng Quad Committee na tumatalakay sa mga mahahalaga at kontrobersiyal na usapin gaya ng Extra-Judicial Killings (EJK), madugong war-on-drugs at illegal operation ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na pawang mga nakakulapol o nakakabit kina Dela Rosa at Duterte.
Pagdidiin pa ni Barbers na ang pagkakadawit ng pangalan nina Senator Dela Rosa at dating Pangulong Duterte sa mga naturang kontrobersiya ay batay mismo sa testimonya ng mga pangunahing testigo na nagbigay ng kanilang salaysay patungkol sa mga kasong may kinalaman sa illegal drug sale, EJK, war-on-drugs at POGO kung saan nakakaladkad o nababanggit ang pangalan ng mag-amo.
Iginiit ng kongresista na sa halip na magbigay ng walang katuturan o walang basehang akusasyon sina Dela Rosa at Duterte, mas makabubuti umanong humarap na lamang sila sa imbestigasyon ng Quad Committee upang ibigay ang kanilang panig patungkol sa mga kontrobersiyang inilalabatibak sa kanila ng mga testigo partikukar na sa usapin ng illegal drugs at war-on-drugs campaign.
Paliwanag ni Barbers na ang pagsisiyasat ng House Quad Committee ang tamang venue para sagutin nina Dela Rosa at Duterte ang mga mabibigat akusasyon laban sa kanila lalo na sa kaso ng pagpatay sa tatlong hinihinalang Chinese nationals na sangkot sa illegal drugs at ang “oplan tokhang” kung saan sinasabing libo-libong inosenteng sibilyan aniya ang walang awang pinaslang.
Muling binigyang diin pa ni Barbers na hindi si Speaker Romualdez ang bumuo ng Quad Committee kasunod ng pahayag nito na mismong siya ay hindi papayag na gamitin o kaya naman ay diktahan para lamang sa pagsusulong ng pansariling interes gaya aniya ng nais palabasin nina Dela Rosa at Duterte.
๐ง๐ผ ๐๐ผ๐ฑ ๐ฏ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐