Barbers

Barbers nagbabala kay Garma na ipapa-aresto kung hindi dadalo sa pagdinig ng Quad Comm

Mar Rodriguez Sep 1, 2024
111 Views

“๐——๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—ข ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ ๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ”.

Ito ang babala ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers patungkol kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, retired Police Colonel, na kung hindi nito sisiputin ang pagdinig ng House Quad Committee ay mapipilitan ang naturang Komite na magpalabas ng arrest order laban sa kaniya.

Ang Quad Committee Committee ng Kamara de Representantes ay binubuo ng apat na “standing committees” sa Mababang Kapulungan na nag-iimbestiga sa mga pangunahing issues na nakakulapol o nakakabit sa dating administrasyong Duterte kabilang na dito ang Extra-Judicial Killings (EJK), madugong war-on-drugs campaign at illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Barbers, naglabas ang Quad Committee ng subpoena para kay Garma upang obligahin siyang magpakita o humarap sa isinasagawang imbestigasyon ng Komite kaugnay sa kaso ng EJK, paglaganap ng illegal drugs at iba pang uri ng kriminalidad na isinasangkot sa pamahalaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Paliwanag pa ni Barbers na ang Quad Committee na binubuo ng Committee on Dangerous Drugs, House Committee on Public Order and Safety, Committee on Human Rights at Committee on Public Accounts ay “nakabungkal” ng mga mahahalagang impormasyon kung saan napakalaki aniya ang naging papel ni Garma para pangunahan nito ang mga tinatawag na “unlawful operations” noong siya pa ay nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao.

Bukod dito, nabatid pa ng ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ’๐˜€ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ sa kongresista na ang testimonya ng mga pangunahing testigo na iniharap nila sa Quad Committee ay direktang nagsasangkot kay Garma sa extrajudicial killing ng tatlong Chinese nationals sa loob ng Davao Prison and Penal Farm.

Ang nasabing Chinese nationals ay sina Chu Kin Tung, Jackson Li at WongWong na pawang nasentensiyahan dahil sa pagkakasangkot nila sa illegal drug sale.

Pagdidiin pa ni Barbers na ipinahayag mismo ng mga testigo na kinakasangkapan umano ni Garma ang kaniyang katungkulan sa CIDG para planuhin at tiyakin na ang mga nasabing Chinese nationals ay “maitutumba” sa katwirang bahagi ito ng anti-drug campaign ng pamahalaang Duterte.

“These are not isolated incidents but part of a broader pattern of abuse that we believe Garma had a direct hand in. The gravity of these allegations cannot be overstated,” sabi ni Barbers sa ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ’๐˜€ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ.