Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Barbers

Barbers: Narco trolls pinopondohan ng mga illegal POGO operators, drug lords

Mar Rodriguez Dec 4, 2024
14 Views

ILANG araw matapos ilantad ng lead chairman ng House Quad Committee na si Surigao del Norte 2nd Dist. Rep. Robert Ace S. Barbers ang patungkol sa tinaguriang “narco vloggers”, ibinunyag naman nito ang diumano’y mga “narco trolls” na pinopondohan at binabayaran ng mga binuwag at pinuksang illegal operators ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kasama na ang mga drug lords sa bansa.

Ito ang nakapaloob sa privilege speech ni Barbers sa Plenaryo ng Kamara de Representantes, chairperson din ng House Committee on Dangerous Drugs.

Isinawalat ni Barbers na binubuhusan umano ng malaking pondo ng mga illegal POGO operators at drug lords ang mga narco trolls upang magpakalat sa social media ng mga mapanira at makapanginig laman na mga posts.

Binigyang diin ni Barbers sa kaniyang talumpati na nagkakaroon tuloy ng kalituhan sa panig ng mga mamamayan kaya nagbibigay ng mga maling opinyon at pananaw ang general public kaugnay sa mga isyung iniimbestigahan ng Quad Committee ng Kamara de Representantes.

Sabi ni Barbers na dahil sa halip na malinawan ang mamamayan ay lalo lamang silang naguguluhan hanggang sa magkaroon sila ng maling pananaw sa mga isyung gaya ng illegal POGO at illegal drugs.

Ayon sa kongresista, welcome para sa mga kasamahan nito sa House Quad Committee ang mga kritisismo kaugnay sa pagganap o performance nila sa kanilang tungkulin. Subalit ang hindi aniya nila matanggap ay ang mga paninirang puri, pagmumura, panlalait at pang-aalipusta na ginagawa laban sa kanila ng mga narco trolls sa social media.

Binatikos ni Barbers ang mga ipinapakalat na kasinungalingan at paninirang puri ng mga Narco Trolls na hindi na aniya katanggap-tanggap sapagkat masyado na umanong dinudungisan ang kanilang integridad at pagkatao.

“Wala tayong problema sa kritisismo. Kasama iyan sa trabaho ko at sa mga kasamahan ko bilang isang lingkod bayan. Pero ang hindi na katanggap tanggap ay yung mga paninirang puri at walang basehan na katotohanan,” sabi ni Barbers.

Binigyang diin pa ni Barbers na tinatanggap nila ang kritisismo ng mga trolls at vloggers hanggang sa sila ay magsawa basta’t ito ay tungkol aniya sa kanilang trabaho. Subalit ang pagyurak umano sa kanilang pagkatao at dangal ay dapat nilang panagutan sa batas o isang cyber bullying.

“Puwede niyo kaming batikusin kayong mga trolls at vloggers hanggang sa kayo ay magsawa. Basta’t ito’y tungkol sa aming trabaho at sa aming nagawa, pero kapag ang inyong issue ay ang pagyurak na sa pangalan at dangal ng isang tao. Yan ay may pananagutan na ayon sa ating mga batas,” wika pa ni Barbers.