barbers

Barbers optimistiko na mapapawi na agam-agamsa Cha-Cha

Mar Rodriguez Feb 21, 2024
160 Views

OPTIMISTIKO si Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace “Alas” S. Barbers na mapapawi na ang agam-agam ng mga senador kaugnay sa pag-aamiyenda sa 1987 Philippine Constitution matapos ihain ng liderato ng Kongreso ang Resolution of Both House (RBH) No. 7.

Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na marahil ay mapapawi na ang mga haka-haka matapos isulong ng mga kongresista ang RBH No. 7 na pinamagatang “A Resolution of Both Houses of Congress Proposing Amendments to Certain Economic Povisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines”.

Ipinaliwanag ni Barbers na puwedeng pag-usapan o magkaroon ng discussion ang Senado at Kamara de Representantes patungkol sa RBH No. 7 kung saan, itatstag o bubuuin ang dalawang Kapulungan bilang isang “Committee of the Whole” para talakayin ang pag-amiyenda sa Saligang Batas.

Binigyang diin ni Barbers na napakahalagang pag-usapan ng Senado at Mababang Kapulungan ang nasabing usapin sapagkat ang pag-aamiyenda sa Konstitusyon ang tatalakayin parrtikular na sa ilang parte ng economic provision na kinakailangang amiyendahan.

“Napaka-importante na ito ay pag-usapan. Because amendment ito sa Saligang Batas. It would be proper that the Committee of the Whole. Lahat ng miyembro ng Kongreso ay mapag-usapan ito at mai-elevate ang level of discourse, discussion and debate duon sa usapin ng amendments sa Constitution,” ayon kay Barbers.

Nauna rito, hindi nagpapatinag ang liderato ng Kamara de Representantes matapos na muli nilang ihirit ang pag-aamiyenda sa 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng pagsusulong ng Resolution of Both House (RBH) No. 7.

Ipinaliwanag i House Deputy Speaker at Pampanga 3rd Dist. Congressman Aurelio “Dong” D. Gonzales, Jr. na nilalayon ng RBH No. 7 na amyendahan ang tatong economic provision ng Konstitusyon partikular na ang Sections 12, 14 at 16. Kung saan, kahalintulad nito ang RBH No. 6 na kasalukuyang tinatalakay ng Senado para amiyendahan ang economic provisions.

Kabilang sa mga kongresista na nagsulong ng RBH No. 7 ay sina House Majority Leader at Zamboanga 2nd Dist. Cong. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Majority Leader at Quezon 2nd Dist. David “Jayjay” C. Suarez bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa Senado na amieyndahan ang Saligang Batas.