Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Barbers

Barbers: Papanagutin mga Makabagong Makapili

Mar Rodriguez Mar 25, 2024
145 Views

IGINIGIIT ng tinaguriang “Alas ng Mindanao” na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers na dapat papanagutin ang mga binansagang “Makabagong Makapili” dahil sa pagtataksil nila sa bayan.

Ayon kay Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, dapat papanagutin at parusahan ang mga “Makabagong Makapili” officials na responsible sa recruitment at pagpasok ng 36 Chinese nationals bilang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary Corps.

Binigyang diin ni Barbers na hindi lamang nuong panahon ng Hapon sa Pilipinas mayroong mga “Makapili” o mga Pilipinong kumapi sa mga Hapon. Bagkos, sa kasalukuyang modernong panahon. Muling nagsulputan ang mga Makabagong Makapili na nagsisilbi sa interes ng China.

Bunsod nito, sinabi ni Mindanao solon na napaka-importanteng mahubaran ng maskara at makilala kung sino-sino ang mga Makabagong Makapili na nagtaksil sa bayan at mas pinili ang kumampi sa China sa halip na pagsilbihan ang interes at kapakanan ng sarili nitong bansa (Pilipinas).

“Nuong panahon ng Hapon sa Pilipinas, meron tayong mga Makapili. Ngayon, meron na rin tayong mga Makabagong Makapili na nagsisilbi sa interes ng China sa ating bansa. Panahon para imbestigahan kilalanin ang mga walang konsensiyang taong ito na taksil sa bayan,” ayon kay Barbers.

Nauna nang nagbabala si Barbers laban sa mga Makabagong Makapili o mga Pilipinong mas kumakampi sa China sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kanilang interes. Sa halip na pangalagaan nila ang interes ng Pilipinas sa pinagtatalunan at pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS).

Muling iginiit ni Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na mayorya ng mga Pilipino ang nagpahayagb na ng labios na pagka-inis at hindi na natutuwa sa patuloy na panggigipit o pambu-bully na ginagawa ng China laban sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).