Congressman Robert Ace Barber

Barbers suportado Isinusulong na organic farming ng gobyerno

179 Views

SUPORTADO ni Congressman Robert Ace Barbers ang programa ng pamahalaan na gamitin ang organic fertilizers o organikong pataba sa bansa upang palakasin ang produksiyon ng mga produktong pang-agrikultura, partikular na ang palay.

Ayon sa Surigao del Norte, 2nd District congressman Barbers, ang composting at paggamit ng organic fertilizers ay mas mahusay na agriculture practices para sa proteksiyon ng lupa at pagkakaroon ng mas malusog na mga pananim.

Nangako rin Barbers, na isang anti-crime advocate, na susuportahan ang commitment ng Kamara na gawing prayoridad ang pagpapasa ng panukalang pag-amiyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.

Si Barbers, na malapit na kaalyado ni Pang. President Ferdinand Marcos Jr., ay nagsabi rin na ang banta ng agricultural smuggling at hoarding ay nagbunsod sa bansa patungo sa economic turmoil, na nagpalala sa pagdurusa ng mga mahihirap.

Aniya pa, napapanahon na para maganap ang isang ‘decisive action’ dahil marami nang Pinoy ang nagdurusa mula sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan, gaya ng bigas.

Sinabi ni Barbers na pangungunahan niya ang pagbuwag sa mga sindikato at kartel na nasa likod ng hoarding ng bigas at ng mga agriculture products.

Nagpahayag rin ng suporta si Barbers sa patuloy na pananatili ng pangulo bilang pinuno ng Department of Agriculture (DA), at sinabing ang pinakamahusay na magagawa nito ay magtalaga ng isang maaasahang tao na magsisilbi niyang tinyente sa DA.

“Having this person on hand will hasten the implementation of the President’s directives while he tends to his other pressing duties,” paliwanag pa ng beteranong mambabatas.

Matatandaang si Pang. Marcos ang tumatayong concurrent DA secretary simula nang maupo siya sa Palasyo noong Hunyo 30, 2022. Personal niyang pinili ang portfolio sa panahong iniisip ng marami, na may nagbabadyang kakulangan sa pagkain sa bansa.

“President Marcos, in my opinion, has done a great job as agriculture secretary. He has nearly achieved his promise of reducing prices of rice to P20 per kilo, as Kadiwa stores now sell rice for as low as P25 per kilo. Through the action of Speaker Martin Romualdez and the House of Representatives, the government was able to address the runaway prices of onions late last year by unmasking the alleged members of the cartel,” ani Barbers.

Bilang bahagi naman ng pagsusumikap ng pamahalaan na hikayatin ang mga lokal na magsasaka na ipraktis ang organikong agrikultura, ipinasa ang Republic Act No. 10068 o ang Organic Agriculture Act of 2010 upang itatag ang isang kumprehensibong programa para sa pagsusulong ng community-based organic agriculture systems at adoption ng organic agriculture bilang viable alternative.