Posas

Barker arestado sa panlolob sa QC convenience store

7 Views

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang barker na umano’y nanloob ng convenience store sa Quezon City noong Lunes.

Nakatakdang sampahan ng reklamong robbery ang suspek na si Christian Anover Abraham alias Kano, 34, ng Brgy. Plain View, Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon ni P/Msg. Guillermo Esteban ng Masambong Police Station 2, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang holdapin ng suspek ang 7-Eleven branch sa 235 FPJ Ave., Brgy. Sta Cruz, Quezon City.

Ayon sa complainant na si Ron Justine Araneta Alma, 24, sales area manager, nagpanggap na kostumer ang suspek at nang mapansin na walang namimili sa tindahan naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap.

Tinangay ng suspek ang mahigit P9,000 benta ng tindahan saka tumakas.

Naaresto ang suspek noong Martes bandang alas-1:24 ng madaling araw sa kanyang bahay sa Mandaluyong City.