Calendar
Barko na sisipsip sa natitirang langis sa lumubog na tanker dumating na sa bansa
DUMATING na sa bansa ang Dynamic Support Vessel (DSV) na sisipsip sa nalalabing langis sa lumubog na MT Princess Empress.
Ang DSV Fire Opal ay dumating sa Riviera Pier sa Subic Bay Freeport Zone.
Tatagal umano ang operasyon ng DSV Fire Opal ng 20 hanggang 30 araw, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Artemio Abu.
Aalis umano ng Subic ang DSV Fire Opal sa gabi ng Mayo 28 at darating sa Batangas kinabukasan bago pumunta sa lugar na pinaglubugan ng barko.
Ang serbisyo ng DSV ay kinuha ng Malayan Towage & Salvage Corporation na kinontrata ng Protection & Indemnity Insurance Club (P&I).
Ang MT Princess Empress ay napaulat na may malamang 800,000 litro ng industrial fuel ng ito ay lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28 matapos na magkaroon ng problema ang makina nito.