BARMM

BARMM, NorMin nakatanggap ng 91 PTVs kay PBBM

Jon-jon Reyes Apr 24, 2025
17 Views

BARMM1PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang turnover ng 91 patient transport vehicles (PTVs) para sa Northern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Pelaez Sports Center sa Cagayan de Oro City noong Martes.

Aabot sa 85 PTVs ang ibibigay sa iba’t-ibang munisipalidad at lungsod ng Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte at Lanao del Sur at 6 naman sa BARMM.

Ang inisyatibo bahagi ng P2.2 bilyon badyet na inilaan para sa pagbili ng 1,000 ambulansya na ipapamahagi sa buong bansa at naglalayong pahusayin ang kahandaan at pagtugon sa mga kalamidad.

Ang mga bagong PTVs ipinapasa sa mga local government units (LGUs) at mga ospital sa pamamagitan ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang bawat PTV may stretcher, oxygen tank at blood pressure monitor.