Calendar

Basag Kotse Gang pati pulis biniktima sa Angeles
ISANG pulis na naka-assign sa PRO3 RID noong Martes ay nabiktima ng Basag Kotse Gang sa Angeles City, Pampanga.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Angeles City police Acting director Col.Joselito Villarosa Jr. ang biktima na si Pems, 52, ng Pescadores, Candaba, Pampanga.
Sinabi ni Villarosa na humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Police Station 4 at sinabing ipinarada niya ang kanyang itim na Montero na may plate no. NEO 329 bago siya pumasok sa loob ng Systems Plus College Foundation.
Pagbalik niya sa sasakyan, nakita niyang basag ang bintana sa passenger side at nawawala ang isang sling bag na naglalaman ng isang hunting knife, ang inisyu sa kanya na service firearm, dalawang magazine assembly, 36 na mga bala para sa .9mm pistol, dalawang gintong singsing at P30,000 cash.
Sinusuri na ngayon ng Angeles City police ang CCTV sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.