Calendar
Baseco PS 13 nagsagawa ng simulation exercise ng school shooting
NAGSAGAWA ng simulation exercise ng school shooting ang mga elemento ng Manila Police District Baseco Police Station13 (MPD Baseco PS13) sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, station commander.
Ang simulation exercise ay isinagawa sa Benigno Elementary School na sakop ng Baseco Compound sa Port Area, Manila.
Bilang bahagi ng exercise, isang bata ang tumawag sa pulisya ukol sa nagaganap na shooting umano sa nasabing paaralan.
Kasama rin sa exercise ang mabilisang pagresponde ng mga kapulisan na nasabing paaralan kung saan naispatan nila ang shooter.
Ipinakita kung paano agad nasukol ng mga otoridad ang suspek, pinosasan at dinala sa himpilan.
Layon ng simulation exercise na ipakita ang agarang pag-responde ng kapulisan at kahandaang supili agad ang suspek o suspects kung sakaling magkaroon ng shooting sa paaralan.
Layunin din ng kapulisan na papanatagin ang kalooban ng mga estudyante, mga magulang at publiko kung sakalang magkaroon ng nasabing insidente ng karahasan.
