Phivolcs

Batanes niyanig ng magkakasunod na lindol

268 Views

NIYANIG ng magkakasunod na lindol ang Batanes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Alas-9:47 p.m. ng maramdaman ang magnitude 5.2 lindol sa Batanes. Ang epicenter nito ay 107 kilometro sa Itbayat, Batanes at may lalim na 24 kilometro.

Alas-10:32 p.m. ay niyanig naman ito ng magnitude 3.9 lindol na sinundan ng magnitude 3.2 lindol alas-10:42 p.m.

Alas-10:46 ay naitala naman ng PHIVOLCS ang magnitude 4.0 lindol na sinundan ng magnitude 3.4 lindol alas-10:49 p.m.

Naitala naman ang magnitude 3.9 lindol alas-11:32 p.m.

Alas-3:15 a.m. ngayong Martes ay magnitude 4.0 naman ang naitala na sinundan ng magnitude 4.1 alas-3:23 a.m.