Batangas

Batangas sa Handog ng Pangulo: Serbisyong Tapat Para sa Lahat

92 Views

NAKIISA ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa “Handog ng Pangulo: Serbisyong Tapat Para sa Lahat” sa kapitolyo ng Batangas City.

Nagbigay ng serbisyo publiko ang pamahalaang panlalawigan sa Simultaneous Conduct ng Nationwide Distribution ng Comprehensive Government Assistance, kasabay ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Laurel Park, Batangas City.

Hybrid assembly ang ginanap sa provincial auditorium kung saan sama-samang sinaksihan ang sabay-sabay na mga aktibidad sa buong bansa sa pamamagitan ng online video conferencing, kabilang ang mensahe ni Pangulong Marcos, na kinatawan sa pagtitipon sa Batangas ni Finance Secretary Ralph Recto.

Binuksan ang Community Food Market bilang Kadiwa ng Pangulo; namahagi ng libreng lugaw ang mobile kitchen ng Provincial Social Welfare and Development Office at nagbakuna ng pneumococcal vaccine, na kontra pneumonia, meningitis at sepsis, ang Department of Health-CALABARZON.

Naghatid din ng serbisyo ang National Bureau of Investigation, TESDA Batangas Provincial Office, PAG IBIG-Batangas, SSS, GSIS, Philippine Statistics Authority, PHILHEALTH, Department of Labor and Employment, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry-Batangas, Department of Information and Communications Technology, DILG Batangas, DSWD Field Office IV-A, Philippine National Police.

Naipamahagi ang tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa 703 na mga benepisyaryo.