Atty vic Atty. Vic Rodriguez napiling Executive Secretary ni BBM

BBM Camp: Magkaisa

186 Views

Atty. Rodriguez sa Aksyon Demokratiko: Wakasan ang paninira, negatibong kampanya 

HINDI kami makikipag-away at hindi rin kami papatol sa maaanghang at mapanirang pananalita gaano man ito kabaluktot o salat sa katotohanan.

Ito ang tugon ni Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at tagapagsalita ni presidentialcandidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ukol sa pinakahuling pahayag ng Aksyon Demokratiko patungkol sa issue ng pagbabayad ng buwis ng pambato ng Partido Federal ng Filipinas (PFP).

“Paumanhin sa Aksyon Demokratiko kung sila ay hindi naging komportable sa aming pagpapahayag ng katotohanan,” dagdag ni Rodriguez.

Sa isang statement, idiniin ni Rodriguez na ang kampo ni Marcos ay hindi “makikipag-away at hindi rin kami papatol sa kanilang maaanghang at mapanirang pananalita gaano man ito kabaluktot o salat sa katotohanan,”

“Amin pa rin iniaabot ang kamay ng pagkakaisa at hinihikyat silang tumugon sa aming panawagan na itaas ang antas ng politika, talikuran ang negatibong kampanya at wakasan na ang paninira sa kapwa,” dagdag ni Rodriguez.