Calendar
BBM camp nagpasalamat sa patuloy na suporta
MULING nagpasalamat ang kampo ni presidential candidate at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagsuporta na tinatanggap nito wala ng dalawang bago bago ang halalan.
Ginawa ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos matapos na lumabas ang resulta ng Pahayag Survey ng Publicus Asia, Inc.
Lumabas sa survey na si Marcos ay nakakuha ng 55.1% voter preference o lagpas sa kalahati ang pumili sa kanya na maging susunod na pangulo ng bansa.
“The consistent upward trajectory of Bongbong Marcos is a remarkable proof that an overwhelming number of Filipinos have embraced his message of unity, the call to look into the future, work towards nation building and meet the collective aspirations of our people and once again occupy our rightful place as Filipinos in the community of nations,” sabi Rodriguez.
Ang boto na nakuha ni Marcos ay mahigit doble ng 21 porsyento na nakuha ni Vice President Leni Robredo.
Pangatlo naman si Manila Mayor Isko Moreno na naka-8.2 porsyento na sinundan ni Sen. Panfilo Lacson na may 4.2 porsyento at Sen. Manny Pacquiao na may 1,8 porsyento.
Ginawa ang survey mula Marso 9-14 at mayroong 1,500 respondent.
Nanawagan naman si Rodriguez na huwag magpakakampante hanggang sa hindi nabibilang ang lahat ng boto sa araw ng halalan.