BBM

BBM isinantabi politika sa pagpili ng Gabinete

377 Views

ISINANTABI ni president in-waiting Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang politika sa pagpili ng bubuo sa kanyang Gabinete.

Ayon kay Marcos ang mahalaga sa tinitignan sa pagpili ng kukunin sa kanyang Gabinete ay ang kakayanan at kahandaan na magtrabaho sa susunod administrasyon.

“We have removed, in our discussions we remove immediately what the political leanings have been. Kung lumaban ba sa atin, kung sumama ba sa atin that’s not going to be part of the discussion,” sabi ni Marcos.

Ginagabayan din umano si Marcos ng 31 milyong botante na tumanggap sa kanyang panawagang unity noong kampanya.

Nais umano ni Marcos na ang kanyang administrasyon ay magbigay ng boses sa lahat na nais na tumulong.

Ang binibigyan umano nito ng importansya ay ang mensahe na ipinararating at hindi ang messenger o kung sino o kanino nangaggaling ang mensahe.