Calendar
BBM muling nanguna sa survey
NAMAYAGPAG muli sa survey si UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa Pulso ng Pilipino survey ng The Issues and Advocacy Center na isinagawa mula Abril 4 hanggang 15, nakakuha si Marcos ng 55% o mahigit kalahati ng voter preference.
Pumapangalawa naman si Vice President Leni Robredo na nakapagtala ng 36.5%.
Sumunod naman sina Manila Mayor Isko Moreno na may 11.75 porsyento, Senator Manny Pacquiao na nakakuha ng 6.5 porsyento at Senator Panfilo Lacson na naka-5 porsyento.
Ang labor leader na si Leody De Guzman ay nakakuha ng 1 porsyento at ang iba pang kandidato ay mas mababa sa isang porsyento.
Mayroong 1.25 porsyento na wala pang napipili kung sino ang iboboto sa halalan.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 2,440 respondents gamit ang face-to-face multistage probability sampling at digital tools.
Ang mga respondent ay edad 18 hanggang 65 at mga rehistradong botante.
Ang survey ay mayroong ±3 porsyentong sampling margin of error at 98 porsyentong confidence level.