sara Nagpaabot ng mensahe pagkakaisa si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte sa libo-libong supporters sa UniTeam Grand Proclamation Rally sa Capas, Tarlac. Kuha ni VER NOVENO

BBM pinakilalang susunod na presidente sa balwarte ngmga Aquino

262 Views

Paglapag ni BBM, Mayor Sara sa Tarlac ‘history in the making’

ITINUTURING na “history in the making” ang paglapag ni UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tarlac City na kilalang balwarte ng mga Aquino.

Naging mainit ang pagtanggap kina Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte sa kanilang pangangampanya sa lungsod noong Abril 2.

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na panahon na upang tapusin ang labanan ng mga kulay at magkaisa.

“Tapos na po ang laban ng mga kulay…time to move on,” sabi ni Angeles na tinugunan ng palakpakan at hiyawan ng mga tao sa lugar.

Ipinakilala ni Angeles si Marcos na sinabi nitong “next president” ng bansa.

Sinabi naman ni Marcos na sa kanyang ilang pagpunta sa Tarlac, ang sumalubong na mga tao ngayon ang pinakamarami, pinakamainit, at pinakamaingay.

Ilang beses na naputol ang pagsasalita ni Marcos dahil sa malakas na pagsigaw ng mga tao ng “Panalo ka na!”

Nagpasalamat naman si Marcos sa kanyang mga tagasuporta na ipinakita na umano kung ano ang boto ng mga Tarlaqueño.

“Tarlac City, pinapakita niyo ang tunay na pulso ng Tarlac, ng Pilipino (you are showing the true pulse of Tarlac, of Filipinos,” sabi ni Marcos. “Basta Pilipino, kakampi ko, kapatid ko.”

Simula pa lang ng kampanya ay ipinanawagan na ni Marcos at Duterte ang pagakakisa para sa muling pagbangon ng bansa.