Lalaki todas sa 3 bala sa Lumban
May 12, 2025
MAAGANG BOTANTE
May 12, 2025
Kano utas ng matagpuan sa loob ng silid sa Pampanga
May 12, 2025
ABP PARTYLIST MAAGANG BUMOTO SA ARAW NG ELEKSYON
May 12, 2025
Calendar

Nation
BBM tumaas pa sa MB-Tangere survey
Ryan Ponce Pacpaco
Apr 25, 2022
372
Views
DALAWANG linggo bago ang eleksyon, mas tumaas pa ang voter preference rating ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. batay sa MB-Tangere presidential survey.
Sa resulta ng survey na isinagawa mula Abril 20 hanggang 22, si Marcos ay nakakuha ng 51 porsyentong voter preference.
Sa survey noong Abril 6, si Marcos ay nakapagtala ng 48 porsyento.
Pumangalawa naman si Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 20 porsyento mas mababa kumpara sa 24 porsyento na nakuha nito sa mas naunang survey.
Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng 18 porsyento o bumaba ng dalawang puntos mula sa 20 porsyento.
Sumunod naman si Sen. Manny Pacquiao na may apat na porsyento at Sen. Panfilo Lacson na nakapagtala ng tatlong porsyento.
Senado igagalang pasya ng taumbayan
May 11, 2025
Reporma sa insurance system nararapat na–LCSP
May 11, 2025