BBM

BBM umaasa sa mas matibay na relasyon ng PH-, Japan

239 Views

UMAASA si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas magiging matibay ang relasyon ng Pilipinas at Japan sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Ito ang ipinahayag ni Marcos matapos ang 15 minutong pag-uusap nila ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na tumawag nitong Biyernes upang personal na ihayag ang kanyang pagbati sa kanyang panalo sa katatapos na halalan.

“We were able to have a preliminary discussion about Japan-Philippines partnership, which I said is very important and has been one of mutual benefits for our two countries,” sabi ni Marcos.

Pagkatapos nilang mag-usap, naglabas ng isang statement ang website ng Japan’s Ministry of Foreign Affairs, kung saan nito siniguro ni Kishida kay Marcos na itutuloy nang Japan ang lahat ng tulong na kasalukuyang ibinibigay nito sa bansa.

Sa kasalukuyan ay katuwang ng Pilipinas ang Japan sa pagpapa-unlad ng ekonomiya at pagtatayo ng mga imprastraktura at seguridad at iba pa.

“I told him that I would like to deepen the cooperation in a wide range of fields in the future and we agreed to work together to strengthen it,” dagdag pa ni Marcos.

Nagkasundo ang dalawang lider na magkita upang mas malalim na mapag-usapan ang pagpapatatag ang ugnayan ng Japan at Pilipinas.