Calendar
‘Be a buddy, not a bully’ isinusulong sa Bataan
ABUCAY, Bataan–“Be a buddy, not a bully.”
Ito ang isinusulong ng Hermosa, Bataan kaugnay sa selebrasyon ng National Children’s Month at pagsusulong ng mas payapang komunidad para sa mga mag-aaral sa bayan.
Sinabi ni Mayor Jopet Inton na ang temang ito para sa mas mapayapang paaralan para sa mga nag aaral.
“Nagsagawa ang ating lokal na pamahalaan, sa pangangasiwa ng Hermosa, ng programang kumokondena sa bullying na “be a buddy, not a bully,” na ginanap sa Marglo’s Private Resort sa Abucay.
“Sa programang ito kung saan dumalo ang 75 na mag-aaral, nagbahagi ng kaalaman si Marites Chavez ukol sa dahilan, epekto at mga maaaring gawin upang maiwasan ang bullying sa isang komunidad gaya ng paaralan,” paliwanag ng mayor.
Pinasalamatan ng alkalde ang Municipal Social Workers Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni MSWDO head Chasmalin Francisco, Konsehal Jayson Enriquez at Jinkee Alonzo na sumuporta sa makabuluhang programang ito para sa kapakanan ng mga mag-aaral ng Hermosa.