Bea

Bea nagsalita sa pinagdaanan sa breakup kay Dominic

Vinia Vivar Jun 14, 2024
40 Views

Ilang buwan matapos ang kanilang breakup ni Dominic Roque, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Bea Alonzo tungkol sa natapos na relasyon at sa kanyang pinagdaanan.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA-7 na inere sa 24 Oras, Bea revealed na hindi siya ang nakipag-break sa ex-fiance.

“Hindi ako ang nakipag-break,” she said.

Pero ayaw na niyang magbigay pa ng detalye tungkol dito bilang respeto na rin sa kanilang naging relasyon. She also mentioned na okay naman sila ni Dom.

“Huwag na nating pag-usapan ‘yon. Let’s leave it the past. It’s amicable. Okay naman kami.

“I think it would be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it. It’s a very sensitive topic at gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had,” ani Bea.

Inamin din ng aktres na labis na nakaapekto sa kanya ang mga maling balita na lumabas tungkol sa kanya.

“Du’n ako pinaka… siguro, naapektuhan, kasi maraming nag-i-spread ng false narratives about my life and when you’re going through something really difficult in your life and you have other people narrating it for you in a different way, very different from the way you see it and very different from the truth, sobrang sakit niya,” she said.

“Kasi, yes, it affects you because it’s one thing to go through something silently, like a very, very huge heartbreak, but it’s another thing to be going through it in front of the public nang iba ‘yung narrative,’ pahayag pa ng aktres.

Matatandaan na nag-break sina Bea at Dominic early this year sa gitna ng preparations nila para sa kanilang kasal na gaganapin sana ngayong taon.