QC Warriors ni Atayde nagpasikat
Jul 1, 2024
Trail Running Team binati ni Bachmann
Jul 1, 2024
PHI-NADO nagdaos ng TUE workshop
Jul 1, 2024
Calendar
Provincial
Bebot naglibing ng asong namatay, vintage bomb nahukay
Steve A. Gosuico
Jun 26, 2024
23
Views
CABANATUAN CITY – Laking gulat ng isang babaeng vendor nang aksidenteng makahukay siya ng isang antigong bomba sa kanilang bakuran habang gumagawa ng libingan para sa kanyang alagang aso na namatay nitong Martes.
Ito ang iniulat ni Barangay Dicarma Chairman Benedicto Cabuhat nang humingi siya ng tulong sa kapulisan dakong alas dose ng tanghali dito.
Ayon sa kapitan, naghuhukay ng libingan si Cindy Clemente, 30, vendor, ng Purok Rosal 1, nang bumulaga sa kaniya ang metal na bagay na sinasabing isang “unexploded ordnance.”
Agad rumesponde sa lugar ang mga operatiba ng Nueva Ecija Provincial Explosives and Canine Unit upang i-secure ang na-recover na vintage bomb.
BPO SERVICE PROVIDERS MERON, POGO WALA SA BATAAN
Jun 26, 2024
Charger isinuksok sa airport outlet, umusok
Jun 24, 2024