bella padilla Bela Padilla kasama ang Dear Face owner na si Jonah Sison-Ramos.

Bela maliit na ang mundo para sa kanya

Eugene Asis Jun 24, 2023
130 Views

NASA bansa muli ang actress, director, producer na si Bela Padilla.

May bago siyang film project, pero inuna niya ang pagharap sa isang product endorsement para sa Dear Face Beauty Milk collagen drink. Ginanap ang event sa Manila House Private Club in BGC na dinaluhan din ng ilang resellers ng naturang produkto.

Kung iisipin, parang hindi based sa London si Bela dahil madalas din namin siyang makita rito sa Pilipinas. Pero totoong napagdesisyunan na niya ang ganitong setup: kapag walang trabaho rito sa bansa, nasa UK siya at naninirahan doon bilang isang ordinaryong mamamayan. Isang Briton ang kanyang ama, si Cornelio Sullivan (Bela’s real name is Krista Carino Sullivan) kaya naging madali sa kanya ang proseso ng pagtira sa UK.

Ayon sa kanya, hindi ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay ang dahilan kung bakit gusto niyang doon tumira dahil malayo rin naman ang UK sa Switzerland.

Ang totoo, nangyari ito matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN sa gitna ng Covid 19 pandemic. “Parang I feel the pandemic has made the world so small,” ayon sa kanya.

Mas magaan at may peace of mind daw siya sa UK, at marami siyang naiisip na magagandang kuwento habang nag-iisa. “For now, sa UK muna ako. I don’t know where I am going next. I feel like I can be based anywhere and be completely functional as a normal person.”

Napakaganda ni Bela nang gabing ‘yun, at bagay na bagay sa kanya ang iniendorsong Dear Face Beauty Milk. Inamin niyang talagang iniinom niya ang produktong ito at paborito niya ang strawberry flavor (at meron ding mango and melon flavors). Matagal na pala siyang gustong kunin ng Dear Face owner na si Jonah Sison-Ramos, kasunod ng isa pa nilang endorser na si Julia Barretto.

Samantala, bago sa kanyang nilulutong film project kasama muli si JC Santos, na ayaw pa niyang sabihin ang buong detalye, napanood si Bela sa mga pelikulang “Yung Libro sa Napanood Ko” at

“Ultimate Oppa” kung saan parehong Korean actors ang nakasama niya.