Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BFAR

BFAR nagbabala sa pagkain ng shellfish sa 4 probinsya

190 Views

NAGLABAS ng babala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng shellfish sa apat na probinsya.

Ayon sa BFAR mataas pa rin ang toxic red tide o Paralytic Shellfish Poison (PSP) sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Positibo na ang Matarinao Bay in Eastern Samar sa PSP.

Mapanganib umanong kainin ang mga shellfish at alamang mula sa mga lugar na ito.

Maaari naman umanong kainin ang isa, pusit, hipon, at alimango mula sa mga lugar na mataas ang PSP subalit dapat itong linisin at lutuin ng mabuti.