Koreans

BI inaresto 2 S. Koreans na maya derogatory records

Jun I Legaspi Sep 28, 2024
102 Views

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Korean nationals habang nag-aapply ng extension ng tourist visa sa BI head office sa Intramuros noong Setyembre 26.

Ayon kay Raymond Remigio, hepe ng BI Tourist Visa, nabuking sina Lee Won Woong, 33, at Huh Hwan, 60, sa pamamagitan ng routine database checks ng Immigration officer na si Philip Reyes.

Nadiskubre na ang dalawang indibidwal may aktibong derogatory records batay sa centralized database ng BI sa kanilang aplikasyon para sa extension ng visa.

Kaagad silang inaresto ng fugitive search unit (FSU) ng BI matapos ang pagpapalabas ng mission order ni BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado.

Iniulat na si Lee nahaharap sa mga kaso sa South Korea dahil sa pagpapatakbo ng mga ilegal na pasugalan, habang si Huh hinahanap dahil sa mga kaso ng pandaraya.

“This incident is a reminder that the Bureau is always alert and proactive in identifying foreign nationals who pose a threat to public safety,” sabi ni Viado.