Calendar
BI pinaalalahanan mga dayuhan na wag mag-overstay
PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan sa bansa na tiyaking hindi sila mag-overstay tuwing holiday season.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na nananatiling bukas ang kanilang One Stop Shop na matatagpuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para iproseso ang mga pangunahing pangangailangan sa immigration tulad ng tourist visa extensions at exit clearances.
Bukod dito, sinabi ni Viado na ang kanilang eServices website ay nakatalaga rin sa pagbibigay ng serbisyo ng BI sa publiko.
“We have opened up these channels to ensure that our services remain accessible. We want to make things easier for our foreign visitors so they can maximize their holiday celebration in the Philippines,” saad ni Viado.
Ang NAIA One Stop Shop ng BI ay matatagpuan sa Level 3, Departure area ng NAIA Terminal 3.
Ang kanilang eServices website ay maaari ding ma-access sa pamamagitan ng e-services.immigration.gov.ph.