Calendar

Bigas Father’s Day treat ng NE cop chief sa mga parak
CABANATUAN CITY–Namahagi ng 100 sako ng bigas sa mga naka-duty na tauhan niya sa iba’t-ibang unit si Nueva Ecija cop chief P/Col. Ferdinand Germino noong Father’s Day.
Ang mga benepisyaryo ng libreng bigas ni Germino ay mga tauhan na nakatalaga sa provincial headquarters, first at second provincial mobile force company, general services, tactical motorcycle riding units, SWAT at mga miyembro Cabanatuan City police.
Ayon kay Germino, ang inisyatiba ay bahagi ng pangako ng kanyang command na itaguyod ang pillar no. 2 na utos ni PNP Chief General Nicolas Torre III na palakasin ang moral at kagalingan ng mga pulis lalo na sa mga espesyal na okasyon tulad ng Father’s Day.
“Ang simpleng kilos na ito ay higit pa sa pagbabahagi ng pangunahing pagkain. Ito ay tungkol sa pagpapaunlad ng kultura ng suporta, pagpapahalaga at pagkakaisa,” sabi ni Germino.
“Sa pamamagitan ng pagkilala at pag-gantimpala sa mga pagsisikap ng ating mga tauhan, lalo na sa mga nagsisilbi hindi lamang bilang mga tagapagtanggol kundi bilang mga ama, patuloy na itinataguyod ng NEPPO ang pakiramdam ng pagkakabuklod, katapatan at sama-samang responsibilidad sa hanay nito,” dagdag niya.