Bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin pumalo sa 8%

246 Views

NAITALA sa 8.0 porsyento ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin noong Nobyembre, ang pinakamabilis sa loob ng 14 na taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang 8.0 inflation rate noong nakaraang buwan ang pinakamabilis mula noong Nobyembre 2009 kung kailan naitala ang 9.1 porsyento.

Tinalo rin nito ang 7.7 porsyentong inflation rate noong Oktobre 2022.

“The sustained acceleration of inflation in November 2022 was mainly due to the higher year-on-year growth rate in the index of food and non-alcoholic beverages,” sabi ng PSA.

Pasok naman ang pinakahuling naitalang inflation rate sa 7.4 hanggang 8.2 porsyento na inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).