Madrona

Binalangkas na kasunduan sa pagitan ng DOT at DOH suportado ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Aug 22, 2024
48 Views

𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝘀𝗶𝗻𝗲𝗹𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝘂𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 (𝗗𝗢𝗧) 𝗮𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 (𝗗𝗢𝗛) 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗹𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗺𝗮𝗻 𝗼 𝗱𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Sabi ni Madrona na nagkaroon ng kasunduan at partnership sa pagitan ng Tourism Department at Health Department kasama na ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TEZA) upang maitatag ang kauna-unahang Tourism First Aid Facilities.

Ayon kay Madrona, ang pangunahing layunin ng FAF ay tiyakin na magiging ligtas ang paglalakbay at pagbisita ng mga lokal at dayuhang turista sa isang partikular na tourist destination sa Pilipinas upang agad na malapatan ng lunas ang kanilang medikal na pangangailangan.

Pagdidiin pa ni Madrona na ang “goal” o priority ng DOT sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Maria Christina Garcia Frasco ay ang matiyak na ligtas ang lahat ng mga turista sapakat may mga pagkakataon aniya na hindi naiiwasan ang isang aksidengmte o disgrasya sa isang tourist destination.

Paliwanag pa ng kongresista, magpapatayo ang DOT ng mga first aid facilities sa iba’t-ibang tourist destination kung saan ang konstruksiyon nito ay pangangasiwaan naman ng TIEZA sa ilalim ng pamumuno ni Chief Operating Officer (COO) Mark Lapid.

Pinasalamatan ni Sec. Frasco si Health Sec. Ted Herbosa dahil sa pagtanggap nito sa proposal ng DOT na magkaroon ng convergence sa pagitan ng kanilang ahensiya at DOH para sa pagbibigay ng prayoridad sa kaligtasan ng mga turista.

“It is with immense gratitude that the DOH under the leadership of Secretary Ted Herbosa, has accepted our proposal for a convergence to prioritize tourist safety. With infrastructure to be built by TIEZA,” sabi ni Frasco.