BBM1

Biofertilizer gagamitin na sa bansa—PBBM

171 Views

IPAKILALALA umano ng gobyerno sa mga lokal na magsasaka ang biofertilizer upang mabawasan ang paggamit ng mahal at imported na abono.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang briefing kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture at iba pang ahensya.

Ayon sa Pangulo lubhang sumandal ang mga lokal na magsasaka sa imported at petroleum-based na fertilizer at panahon na umano upang gamitin ng malawakan ang biofertilizer sa bansa.

“Hopefully, this will ease our concerns when it comes to the supply of fertilizer, and we can fully control the availability of biofertilizer,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na mahalaga na mabawasan ang pagsandal ng lokal na agrikultura sa imported na fertilizer na lubha umanong nagpapataas sa gastos sa produksyon.

Nagsagawa na umano ng trial ang DA sa biofertilizer na maaaring gawin sa bansa at naging maganda ang resulta nito.

Sinabi ni Pangulong Marcos na nagsagawa ng pag-aaral sa biofertilizer ang University of the Philippines Los Baños at iba pang state universities and colleges at agricultural colleges.