Calendar
BOC ipagpapatuloy gumagandang serbisyo
MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.
Bagama’t nag-umpisa na ang sobrang lamig ng panahon sa Japan, patuloy naman sa pagtatrabaho ang masisipag nating kabayan.
Ingat kayo diyan.
Nawa’y manatili kayong ligtas.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God Bless!
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa: +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
***
Sa taong ito ay inaasahang ipagpapatuloy ng Bureau of Customs (BOC) ang mga pagbabago na naglalayong mapaganda ang serbisyo sa dating “snake-infested” na ahensiya ng gobyerno.
Naniniwala tayo na lahat ng mga ipinatupad na reporma ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno at kanyang mga ”trusted lieutenants” ay dumaan sa matinding pag-aaral.
Lalo na ang “modernization program” ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF) ni Secretary Frederick Go, na naglalayong mapabilis ang trade processes.
Alam naman ng lahat, kasama na ang mga customs brokers, na masama sa negosyo na maantala ang paglabas ng mga shipments sa aduana.
Kaya nga determinado rin ang ahensya na linisin ang hanay ng mga tauhan ng BOC para mawala ang mga“rotten eggs.”
Kahit iilan lang ang mga ‘yan ay kailangang mawalis sila para hindi pamarisan ng ibang empleyado ang kanilang mga masamang gawain.
Dito makatutulong ng malaki ang publiko, lalo na ang mga customs brokers at importers.
Iparating nila sa opisina ni Commissioner Nepomuceno ang mga ‘di kanais-nais na gawain ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng BOC.
Hinding-hindi papayagan ng pamunuan ng ahensya na sirain ng mga ito ang gumagandang imahe ng ahensya sa pamumuno ni Sir Ariel.
Magagalit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos kung isa-sabotahe lang ng iilang lingkod-bayan ang kanyang “good governance agenda.”
***
Tapos na ang masayang Christmas Season, pero susunod na diyan ang iba’t bang kasayahang, kagaya ng Valentine’s Day at mga pista sa syudad, bayan at barangay.
Nandiyan rin ang mga school graduation ng mga bata sa elementarya, haiskul at kolehiyo.
Sa totoo lang, dagdag na gastos na naman sa mga magulang, lalo na sa mga pamilyang “isang kahig, isang tuka.”
Sana, ma-address ng gobyerno ang patuloy na pagtaas presyo ng mga essential commodities na lalong nagpapahirap sa mga kababayan natin.
Ang masakit kasi, wala namang nakukulong na hoarder at profiteer kaya atubili ang mga namimili na mag-reklamo sa gobyerno.
Abala lang daw ang maghain ng reklamo sa mga otoridad.
Huhuhu…

