Calendar
BOC kayang lampasan ang P1K collection target
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, pati na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Endo Yumi, Patricia, Coronel, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, La Dy Pinky, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God bless sa inyong lahat!
***
Kahit maraming problema sa bansa, kagaya ng patuloy na bangayan sa politika, nananatiling maganda ang revenue collection performance ng Bureau of Customs (BOC).
Kaya nga walang dudang hindi lang maabot ng Bureau of Customs sa pangunguna ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang kanilang napakalaking 2026 tax collection target.
Sa taong ito ay naatasan ng gobyerno nasyonal ang 17 collection districts ng BOC na mangolekta ng hindi bababa sa P1 trilyung buwis, taripa at iba pang bayarin.
Sa tingin ng natin, kayang lampasan ng ahensiya ang P1 trilyung target.
Sa unang anim na buwan ng 2026 ay umabot na ng tumataginting na P491.748 bilyon ang tax collection ng BOC, ayon sa preliminary reports.
Kailangan na lang mangolekta ng P508.252 bilyon sa nalalabing anim na buwan ng taon (Hulyo-Disyembre) para maabot ang target collection.
Huwag natin kalimutan na mas malaki ang nakokolektang buwis at taripa ng BOC pagdating ng second semester.
Ngayon pa lang kasi magsisimula ang pagdagsa sa bansa ng mga tinatawag na “Christmas items” na binibili ng mga kababayan natin sa panahon ng Kapaskuhan.
Pinag-iipunan ng mga kababayan natin ang gagastusin sa Christmas Season.
Sa Pilipinas, ang Christmas Holidays ay nagsisimula sa unang “Ber” month ng taon (September).
Noong nakaraang buwan ng Hunyo ay umabot ng P86.073 bilyon ang total tax collection ng BOC.
Ito ay lampas sa monthly collection target na P83.228 bilyon.
Ayon kay Nepomuceno, “the men and women in Customs uniform continue to uphold the agency’s mandate with integrity and dedication.”
“Ang bawat pisong nakolekta ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga kawani sa lahat ng collection districts,” dagdag niya.
Marami ang naniniwala na mananatili sa puwesto si Commissioner Nepomuceno.
***
Nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte sa Senado.
Nakatutok ang taumbayan sa nasabing paglilitis dahil alam nila ang kahalagahan nito.
Kung matanggal sa puwesto si Inday Sara ay hindi na siya makakahawak ng anumang puwesto sa gobyerno.
Kahit barangay health worker man hindi na siya papayagan.
Kaya nga siguradong “madugo” ang nangyayaring paglilitis na napapanood ng live sa telebisyon at social media.
Sana walang mangyayaring karahasan habang dinidinig ang kaso ng Bise Presidente sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ang gusto lang ng taumbayan ay malaman ang katotohanan.
Kung walang kasalanan si VP Sara ay dapat lang na maabsuwelto.
Pero kung mapatunayang may kasalanan, kinakailangan niyang tanggapin ang hatol ng mga senator-judges.
‘Yan ang kagandahan ng nabubuhay sa isang demokratikong bansa. Sabi nga sa English: “Nobody is above the law.”
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa 09178624484/email: philipreyes08@yahoo.com.)
