Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Vic Reyes

Nepomuceno, Matibag Dynamic Duo vs smuggling

Vic Reyes Jul 12, 2026
26 Views

MALIGAYANG bati sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Mama Aki ng Ihawan, Roana San Jose, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Endo Yumi, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

***

Hangga’t may mga tiwaling lingkod-bayan at buwayang negosyante ay mananatiling malaking problema ang“smuggling and illicit trade.”

Nananalatay na kasi sa dugo ng mga ito ang pandaraya.

Ang problema nila ngayon ay hindi lahat ng lingkod-bayan ay nasisilaw sa kinang ng kanilang pera.

Kagaya na lang nina Commissioner Ariel F.Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC) at Director Melvin Matibag ng National of Bureau of Investigation (NBI).

Parehong graft-buster!

Ang “Dynamic Duo” ay nagsanib-puwersa para labanan ang ismagling at ibang illicit trade.

Alam nina Commissioner Nepomuceno at Director Matibag na hindi madaling buwagin ang mga smuggling syndicates sa bansa.

Pero naniniwala sila na kapag may koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensiya ay puwedeng masugpo ang ismagling.

Kaya nga noong July 11 ay nagdeklara sila ng “intensified and uncompromising drive against smuggling and illicit trade.”

Ginawa nila ito nang sabayan silang nagsagawa ng joint inspection sa mga kumpiskadong sigarilyo sa Gothong Wharf sa Mandaue City.

Kasama sa inspeksyon sina NBI Regional Director Dominador Cimefranca at Port of Cebu District Collector Zsae Carrie de Guzman.

Sumama din sa inspeksyon ang iba pang opisyal ng BOC, NBI at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang mga nakumpiskang sigarilyo, na nagkakahalaga ng P980 milyon ay nakalagay sa 25 containers.

Kasama ang mga ito sa 59 containers ng illicit cigarettes na under custody ng BOC sa iba’t ibang lokasyon.

“Hindi kami maaareglo when it comes to the filing of cases against people and businesses involved in smuggling and illicit trade,” ayon kay Commissioner Nepomuceno.

At hindi sila titigil sa pagkumpiska sa mga iligal na kargamento, dagdag niya. Hindi lang ‘yan. Sabi niya: “Hahabulin natin ang buong supply chain at sisiguruhing mapapanagot ang lahat ng sangkot sa ilalim ng buong puwersa ng batas.”

Muli ding kinumpirma ni Director Matibag ang all-out support ng NBI sa mga imbestigasyon at prosecution sa mga miyembro ng mga sindikato.

Ginagawa ng BOC at NBI ang mga ito bilang suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa smuggling at economic sabotage.

Good luck na lang sa dalawang ahensiya.

***

Patuloy ang BOC sa ginagawa nilang pag-dispose ng idle assets ng gobyerno.

Ito ay sa pamamagitan ng subasta (public auction o bidding) at negotiated sale.

Kamakailan ay nagsagawa ang BOC ng “successful negotiated sale” na nagbigay ng mahigit na P3 milyon sa gobyerno.

Pero niliwanag ng BOC na lahat ng negotiated sale ay subject sa approval ng Department of Finance (DOF).

Kagaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang BOC ay nasa ilalim ng DOF.

Ang BIR at BOC ang dalawang pinaka-malaking revenue generators ng gobyerno.

Buwan-buwan ay regular na nagsasagawa ang mga taga-BOC ng tinatawag na negotiated sale.

Ang “negotiated sale” ay isang proseso na kung saan nagbebenta ang BOC ng items sa pamamagitan ng negosasyon.

Hindi dumadaan ang bentahan sa pamamagitan ng subasta o public bidding.

At hinihikayat ni Commissioner Nepomuceno ang mga interesadong partido na sumali sa mga BOC-negotiated sale.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #09178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)