Calendar
BOC tutugunan sa direktiba ni PBBM laban sa smuggling– Rubio
PAG-IIBAYUHIN umano ng Bureau of Customs (BOC) ang kampanya laban sa smuggling alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio matapos na maharang ng BOC ang 47 gramo ng shabu na itinago sa package na galing sa California, USA.
“The recent seizures and arrests of claimants by the BOC are results of our intensified anti-smuggling campaign,” sabi ni Rubio.
“We remain committed in achieving the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to curb all forms of smuggling in the country,” dagdag pa nito.
Dumating umano ang package noong Pebrero 21 sa BOC-Port of Clark at idineklara na litrato ang mga laman.
Sumailalim umano sa K9 sniffing, x-ray scanning, at physical examination procedure ang package at nadiskubre sa loob ang tatlong putting envelope na naglalaman ng 47 gramo ng shabu.
Nakumpirma umano sa laboratory analysis na shabu ang laman ng sobre.
Sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nahuli ang kumuha ng package.