Calendar

Provincial
Botohan naantala ng bubuyog sa Bacolod; mahigit 50 botante inatake
Zaida Delos Reyes
May 14, 2025
16
Views
NAANTALA ang botohan sa isang presinto sa Bacolod City makaraang atakihin ng mga bubuyog ang mahigit 50 nakapilang botante sa lugar.
Batay sa inisyal na ulat, nbakapila ang mga biktima at naghihintay ng kanilang oras para makaboto nang biglang mahulog ang bahay ng bubuyog mula sa isang puno.
Nagpanic at nagtakbuhan papasok sa polling precinct ang mga botante dahilan upang maantala ang botohan.
Agad namang nilapatan ng lunas ng mga youth volunteer ang mga biktimang nakagat ng bubuyog.
Kaunay nito, nangako ang Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Office na lilinisin at tatanggalin nila ang ilan pang bahay ng bubuyog sa eskwelahan para maiwasang makapinsala sa mga papasok na estudiyante.
Lupa gumuho sa peryahan sa Cotabato, lalaki dedo
May 14, 2025