Calendar
BPSF krusada ni PBBM para tuldukan kahirapan sa bansa
𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗣𝗼𝘃𝗲𝗿𝘁𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗲𝘃𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝟭-𝗣𝗔𝗖𝗠𝗔𝗡 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 “𝗠𝗶𝗸𝗲𝗲” 𝗟. 𝗥𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼, 𝗣𝗵.𝗗., 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗺𝗽𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗴𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗙𝗮𝗶𝗿 (𝗕𝗣𝗦𝗙) 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗿𝘂𝘀𝗮𝗱𝗮 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀,𝗝𝗿. 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘄𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.
Ayon kay Romero, ang paglulunsad ng BPSF ay isang malinaw na pagpapatunay na seryoso ang Pangulong Marcos,Jr. na masolusyunan ang matinding kahirapan sa bansa kung saan ang mga maralitang mamamayan ang pangunahing biktima.
Sabi ni Romero, ang BPSF ang nakikitang epektibong solusyon ng pamahalaan para matulungan ang libo-libong mamamayan na dumaranas ng matinding kahirapan hindi lamang sa Tagum City, Davao del Norte kundi sa lahat ng lalawigan sa Pilipinas.
Binigyang diin ng kongresista na sa pamamagitan ng BPSF at iba pang kahalintulad nitong social services. Nais lamang ipakita ng administrasyong Marcos,Jr. na hindi nagpapatumpik-tumpik ang gobyerno sa paghahatid ng de-kalidad na paglilingkod para maibsan ang nararanasang karukhaan ng mamamayan.
Pinapurihan din ni Romero ang naging tagumpay ng BPSF sa Tagum City kamakailan na pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez.
Kasabay nito, ipinahayag pa ni Romero na nakikiisa ang Committee on Poverty Alleviation sa mga programang isinusulong ng pamahalaan para matulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng social services at iba pang ayuda.