Calendar
BPSF Program ng gobyerno mabisang paraan para wakasan ang pahirapan
๐๐๐๐๐ก๐ c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ ๐๐น๐น๐ฒ๐๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, n๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ ๐ญ-๐ฃ๐๐๐ ๐๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฒ๐น “๐ ๐ถ๐ธ๐ฒ๐ฒ” ๐. ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ผ, ๐ฃ๐ต.๐., ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ (๐๐ฃ๐ฆ๐) ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ป๐ด ๐ด๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ป๐๐ถ-๐๐ป๐๐ถ ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ.
Paliwanag ni Romero na habang lumalaon ay parami ng parami ang naseserbisyuhan ng BPSF sa iba’t-ibang lalawigan partikular na ang mga mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Sabi pa ni Romero na maaaring nararamdaman na rin ng mga mamamayan ang pagnanais ng pamahalaan na unti-unting masolusyunan ang kahirapan sa tulong ng BPSF sa pamamagitan ng mga ipinamamahaging tulong at ayuda para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Dagdag pa ni Romero, ang pamamagi lamang ng BPSF ng medical assistance para sa mga taong nangangailangan nito ay isa ng napakalaking kaginhawahan sapagkat madudugtungan pa ang kanilang buhay sa pamamagitan ng libreng dialysis, libreng gamot at iba pang medikal na pangangailangan.
Nauna rito, pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang Department of Health (DOH) dahil sa kanilang walang kapagurang paghahatid ng serbisyong medikal sa mga pinakamalayong barangay gayundin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagsisilbing “lifeline” ng mga pinaka-mahirap na pamilyang Pilipino na nababahaginan nito ng tulong at iba pang ayuda.
To God be the Glory