BPSF

BPSF tinapos muna ngayong 2024, namudmod parin ng P700 milyong service at cash assistance

Mar Rodriguez Nov 23, 2024
12 Views

BPSF1BPSF2BPSF3BPSF4CATBALOGAN CITY, SAMAR – BAGO pormal na tinapos pansamantala ang paghahatid serbisyo para sa libo-libong mahihirap na mamamayang Pilipino ngayong 2024, nagpamudmod pa rin ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa nasabing lalawigan ng tinatayang nasa P700 milyong service at cash assistance para sa 60,000 benepisyaryo.

Ang maunlad na bayan ng Catbalogan sa lalawigan ng Samar ang dinayo ng BPSF Serbisyo Caravan na inisyatiba ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ni House Speaker Ferdinad Martin Gomez Romualdez. Pansamantala muna itong tinapos ngayon taon at muling magpapatuloy ang pamamahagi nito ng tulong sa susunod na taon (2025).

Isinagawa ang Serbisyo Fair sa Northwest Samar State University (NSSU) sa Calbayog City na dinaluhan ng 60,000 benepisyaryo na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan kasunod nito ang pagtanggap nila ng cash at service assistance na nagkakahalaga ng P70,000.

Bilang pangunahing proponent ng BPSF, binigyang diin ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang kahalagahan ng naturang programa upang mapagkalooban ng kaukulang tulong at makabuluhang serbisyo ang mga mahihirap na mamamayan partikular na sa mga malalayong lalawigan.

“Ito ang patuloy nating tugon sa pagnanais ng ating Pangulong Marcos na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan. Hindi lamang ito programa. Ito ay simbolo ng taos-pusong serbisyo at pagkakaisa ng pamahalaan at ng sambayanan,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nabatid din sa House Speaker na ang Samar leg ng BPSF ay nilahukan ng anim na put dalawang ahensiya ng pamahalaan kasama na ang anim na put tatlong miyembro ng Kamara de Representantes habang 255 uri ng serbisyo ang ipinagkaloob o ipinamahagi ng mga government agencies sa mga mahihirap na benepisyaryo.

“This event represented our commitment to bringing concrete, tangible solutions to the everyday challenges faced by our constituents. Sa pamamagitan ng programang ito. Naihatid natin ang pag-asa at tulong sa bawat pamilyang Pilipino,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ang ilan sa naging highlight ng BPSF ay ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ng “payouts” na umaabot sa P300 million para sa 20,000 indibiduwal.