Calendar
Bro. Eddie muling nanawagan sa DOH na imbestigahan nakatengga, expired na gamot
BUNSOD ng kaniyang adbokasiya para sa healthcare system. Muling iginiit ni CIBAC Party List Rep. Eduardo “Bro. Eddie” C. Villanueva ang panawagan nito sa Department of Health (DOH) para magsagawa ang nasabing ahensiya ng imbestigasyon kaugnay sa mga nakatengga, slow-moving, overstocked at expired na gamot.
Muling ipinabatid ni Villanueva na tinatayang bilyon-pisong halaga ng mga gamot ang naa-aksaya sapagkat sa halip na ito ay maipamahagi at pakinabangang ng libo-libong mahihirap o indigent na pasyente. Nakatengga lamang sa mga bodega hanggang sa abutan na ng expiration ang mga naturang gamot.
Sinabi ng kongresista na iniulat ng Commission on Audit (COA) sa kanilang report na P85 million, P7 billion at P11 bilyong halaga ng gamot kasama na ang mga medical supplies ang natuklasan nitong expired na habang ang iba naman ay malapit na ma-expire.
Ayon kay Villanueva, matagal ng nakatengga ang mga gamot mula pa noong 2021, 2022 at 2023 na sa halip na maipamahagi sa mga pasyenteng nangangailangan ng mga ito ay hinayaan lamang ang mga gamot na ma-expite at masira sa bodegang pinaglalagakan nito.
Nauna nang inihain ni Bro. Eddie ang House Bill No. 2127 sa Kamara de Representantes upang ipanawagan sa Health Department ang paglulunsad nito ng pagsisiyasat patungkol sa tinawag nitong “systematic flaws” sa procurement ng mga gamot.
“The increasing trend of unutilized medical supplies in recent years is very alarming and still hunts us. While millions of Filipinos struggle to access affordable medicines and healthcare, billions in public funds are being wasted due to inefficiencies,” paliwanag ni Bro. Eddie.