BSKE postponement, registration ng SIM card maipapasa sa 3rd, final reading sa Oktubre 1

Mar Rodriguez Sep 12, 2022
199 Views

PUPUNTIRYAHIN ng liderato ng Kamara de Representantes at Senado na maipasa sa “third and final reading” ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections kabilang na rin ang pagpasa sa panukalang “registration” sa lahat ng postpaid at prepaid mobile SIM cards.

Ito ang inihayag ngayon ni House Majority Leader at Zamboanga City Lone Dist. Cong. Manuel Jose “Mannix” Dalipe na ninanais ng liderato ng Kongreso at Senado na pumasa sa “third and final reading” sa darating na Oktubre 1 ang dalawang mahalagang panukalang batas.

Sinabi ni Dalipe na ito aniya ang napagkasunduan ng dalawang Kapulungan sa pamamagitan nina House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri na inaasahang maipapas ang dalawang panukalang batas sa Oktubre 1.

Nabatid pa kay Dalipe na ang isinagawang pulong ay upang ag-usapan ng Kongreso at Senado ang kanilang “common legislative agenda” kung saan naka-sentro ang kanilang pag-uusap sa pagpapaliban ng nasabing halalan na nakatakda sa Disyemre 2022 at ang SIM card registration.

“We met to discuss our common legislative agenda. The House and the Senate leaderships are eying the postponement of Barangay and SK elections and the passage of SIM card registration bill before our adjournment this September,” sabi ni Dalipe.

Sinabi pa ng Zamboanga City solon na inaasahan din na sa darating na Oktubre 1 ay maipapasa narin ng Mababang Kapulungan ang proposed P5.268 trilyong pisong 2023 national budget o ang General Appropriations Act (GAA) Bill.