Guillermo

BSP official napili ni PBBM para pamunuan BIR

242 Views

Nakapili na ng magiging hepe ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ayon kay Press secretary-designate Rose Beatrix Cruz-Angeles si Lilia C. Guillermo ang napili ni Marcos.

Si Guillermo ay kasalukuyang Assistant Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at namumuno sa BSP-Technology and Digital Innovation Office. Siya rin ang nangangasiwa sa I.T. Modernization Roadmap of 2018-2033 ng BSP.

Kinilala si Guillermo sa matagumpay na implementasyon ng Philippines Tax Computerization Project, na siyang nagtayo ng modern tax collection system sa BIR at sa Bureau of Customs (BoC).

Dati rin siyang Deputy Commisioner ng BIR.

Sinabi ni Cruz-Angeles na makakasama ni Guillermo si Atty. Romeo “Jun” Lumagui Jr. na ninominate naman ni Marcos bilang Deputy Commissioner for Operations ng BIR.

Si Lumagui ay isang tax lawyer at dating Regional Investigation Division Chief ng Revenue Region No. 7B East NCR.