Bukidnon solon nagpasalamat sa tulong ni Speaker Romualdez, Tingog

Mar Rodriguez Jul 9, 2023
122 Views

bukidnon bukidnon bukidnonNAGPASALAMAT si Bukidnon 2nd District Congressman. Jonathan Keith Flores sa tulong na ipinaabot ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez at ng Tingog party-list kaya naging matagumpay ang inilungsad nitong community pantry para sa mga pamilyang biktima ng pagbaha sa kanyang lugar.

Ayon kay Congressman Flores sinimulan ang operasyon ng community pantry sa Barangay Managok noong Sabado, Hulyo 8.

“This is the hardly-hit brgy during the flooding,” ani Flores. “On behalf of my constituents, I give my heartfelt thanks to House Speaker Martin Romualdez; his wife, Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez; and Tingog Party-list Rep. Jude Acidre for their assistance that made this community pantry possible. We will not forget your compassion.”

Sinabi ni Flores na binili ang mga ipinamimigay na produkto sa community pantry sa mga lokal na magsasaka. Nagpasalalamat din ang mambabatas sa agriculturist ng lungsod na siyang nagbigay daan upang mabili ang produkto ng mga magsasaka.

Ang community pantry ay namimigay ng mga itlog, gulay, at bigas na nakalagay sa eco bag.

Nauna ng namigay ang tanggapan ni Flores ng mga relief goods.

Nauna rito, ang mga tanggapan ni Speaker Romualdez, at Reps. Romualdez at Acidre ay nagsama-sama upang makapagbigay ng calamity assistance sa mga pamilyang naaapektuhan ng pagbaha sa distrito ni Flores.

Nakalikom sila ng kabuuang P11 milyon—P500,000 halaga ng cash assistance; P500,000 halaga ng relief goods: at P10 milyong cash aid mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD).

Ang P500,000 cash aid na natanggap ni Flores ay ginamit nito sa pagtatayo ng community pantry.

Ito ay katulad ng ginawa ni Albay 3rd district Rep. Fernando Cabredo sa tulong na kanyang natanggap mula sa tanggapan ni Speaker Romualdez at ng Tingog. Ang community pantry ni Cabredo ay para naman sa mga inilikas kaugnay ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.