Isko

Bulokcracy, red tape sinisi ni Isko sa kawalan sa Maynila ng negosyo

Edd Reyes Aug 4, 2025
271 Views

ISINISI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa “bulokcracy,” red tape at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga dating opisyal ang kawalan ng business permit at lisensiya ng ilang mga negosyo sa Maynila.

Sinabi ng alkalde na marami ang mga nagnanais magbukas ng negosyo sa Maynila ang nagdalawang-isip dahil labis silang pinapahirapan sa pagkuha ng lisensiya at permiso habang ang iba ay naglakas-loob na ring magbukas ng puwesto kahit wala pang business permit at lisensiya.

“They wanted to pay, gusto nilang magbayad, kaya lang yang zoning na yan, nuknukan ng, hindi ko maintindihan, mahigpit pa sa inuyat,” pahayag ni Mayor Isko.

Ibinuking din ni Mayor Isko ang ginawa ng ilang indibiduwal sa Department of Assessment subalit wala aniya siyang oras para habulin pa ang mga ito.

Dagdag pa ng alkalde, bibigyan pa rin niya ang mga ito ng pagkakaton para magpaliwanag at umaasa siya na gagawin na ng mga ito ang tamang hakbang para sa kapakanan ng mga empleyado, ng kanilang lungsod, at higit sa lahat, ng mamamayan ng Maynila.

Aminado ang alkalde na ang Department of Assessment at ang Business Permit ang dalawang pinakamalaking ahensiya ng lokal na pamahalaan na nagbibigay ng pang-gastos para sa pagkakaloob ng serbisyo sa tao.

“And I hope mga kapuwa ko empleyado, for God’s sake, once and for all, let’s just do what we need to do.

Tulong tulong na tayo, hindi naman kami, in our own little way, magpapabaya, we make sure what is due to you will be given to you,” diin pa ng alkalde.