Calendar

Bumunot ng boga sa bar, arestado
LLANERA, Nueva Ecija–Arestado ang dalawang lalaki matapos bumunot ng baril ang isa sa kanila habang umiinom sa videoke bar noong Sabado .
Kalaboso ang 52-anyos at 37-anyos na construction worker, ayon sa mga pulis ng ireklamo na bumunot ng baril habang umiinom ng beer dakong alas-11:30 ng gabi.
Dumating ang mga rumespondeng pulis sa videoke bar at nakita ang isang baril na nakasukbit sa baywang ng isa sa mga suspek, ayon kay Major Roilan Gonzales, hepe ng pulisya.
Nakuha sa isa pang suspek ang magazine assembly para sa cal. 45 na kargado ng anim na bala.
Sinabi ni Gonzales na inaresto ang dalawa matapos mabigong magpakita ng anumang dokumento kaugnay sa baril o anumang awtorisasyon mula sa Comelec.
Mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 at Sec 261(q) ng Omnibus Election Code (Gun Ban) ang isinampa laban sa mga naarestong suspek sa provincial prosecutor’s office sa Cabanatuan City.