Calendar
Buntis, utol utas sa RIT; tropa sugatan
TIGBAK ang magkapatid na babae, na ang isa’y apat na buwang buntis, at sugatan ang isa nilang kaibigang babae matapos pagbabarilin ng hinihinalang riding-in-tandem (RIT) sa kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City noong Miyerkules.
Kinilala ang mga nasawi na ang buntis na si alyas Anna, 36; at Elsa, 33. Inoobserbahan pa sa Quezon City General Hospital si alyas Rose, 33.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-8:50 ng gabi naganap ang insidente sa Genoveva St., Villareal, Brgy. Gulod, Novaliches.
Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Jordan Barbado, bago ang insidente, abala ang mga biktima sa paghahanda ng loot bag para sa 7th birthday ng kanilang pamangkin.
Paalis na sana ang magkapatid at kanilang kaibigan ng dumating ang RIT.
Bumunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima saka tumakas sakay ng puting motorsiklo.
“Pinasok ‘yung bahay ng dalawang suspek iisang motor ‘yung gamit nila and dire-diretso dun sa bahay,” ayon kay P/Lt. Col. Aljun Belista, hepe ng Novaliches Police Station 4.
Nabatid sa ama ng mga biktima na noong llinggo ay nakatanggap ng death threat ang tatlong biktima at binigyan ng tatlong araw na palugit para lumipat ng tirahan.

