Bus driver umaming taga-hakot ng dadalo sa rally ni Robredo

Nelo Javier Mar 21, 2022
336 Views

KUMAKALAT ngayon sa social media ang cellphone video ng isang bus driver na umaming isa lamang siya sa maraming bus na taga-hakot umano ng mga tao para dumalo sa campaign rally ni Leni Robredo sa Pasig nitong Linggo.

Sa isang social media post ng isang concerned netizen, patago nitong kinunan ng cellphone video ang isang driver ng bus na kasama sa mga humakot ng crowd sa naturang rally.

Maririnig na tinatanong ng concerned netizen kung saan ito bibiyahe.

“Iba-iba eh. Merong Parañaque, may Tambo, merong Malate. Kame sa Alabang po kame,” tugon ng hindi nakilalang driver sa tanong.

Kinumpirma rin ng driver na pawang mga hinakot na Leni supporter ang sakay ng kanyang bus.

Sinabi rin niya na marami silang bus na humahakot ng mga tao sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila.

“Yung iba, dalawang bus din. ‘Yong iba, isa lang. Ano ata kame sir eh, siyam po ata kame,” pag-amin pa ng bus driver.

“Meron sir. Parañaque, Las Piñas, Tambo, may Pasay, may Malate, merong Makati, West Rembo. Tapos, Alabang, Muntilupa kame, dalawa,” dagdag pa nito.

HIndi naman nabanggit sa usapan kung magkano ang ibinayad sa tsuper at kung sino ang nagbayad sa kanya para maghakot ng mga taga-suporta.

Ang naturang video ang tila nagkumpira na karamihan sa dumalo sa rally ni Robredo na ipinagmamalaki ng kanyang kampo ay pawang mga hakot lamang.